Nagtagis ang bagang niya hindi lang dahil sa naalala niya ang ginawa ng mga ito noon kundi ang makita ang reaksyon nito. Hindi niya alam kung paghanga iyong nakikita niya sa mga mata nito habang minamasdan ang kabuuan niya o insulto.
Iniisip na marahil nito na hindi siya nababagay kay Adrian dahil ang alam nito ay isa siyang babaeng bayaran.She stare at him darkly. Tiim na tiim ang mga labi.
"Ah, pare.." Si Adrian, breaking the awkward tensions. Naramdaman niyang mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakapulupot ng braso sa baywang niya. "This is my fiancee and soon to be wife, Jade.."
Kita niya ang pagkamangha sa mukha ng kaharap. Umangat ang labi nitong tumingin kay Adrian.
"Sweetheart.." Baling ng binata sa kanya. "This is