--ADRIAN--
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa kanila ni Alex ng umalis si Darwin. They are both silent na tila bang pinapakiramdaman ang isa't-isa.
Muli siyang nagsalin ng alak sa dalawang basong nakatalaga sa kanila saka iniabot ang isa rito.
Tinanggap naman nito iyon pero nanatili ang dilim sa mga mata nito.
"Huwag mo sanang isipin na dahil hinayaan ko na si Jade sayo ay pinagkakatiwalaang na kita. Tandaan mo ito Adrian, kapag muli mo siyang sinaktan at pinaiyak, hindi ako mangingiming durugin yang pagmumukha mo sa mga palad ko!" seryoso at matigas nitong sabi.
Nilagok muna niya ang alak bago seryoso ring tumitig rito.
"Huwag kang mag-alala pare dahil hindi mangyayari iyon. Hinding-hindi ko siya sasaktan, I will love and cherish her until the day I die. Pinapangako ko iyan sayo."
Nanatili ang madilim nitong titig.
<