Hindi na naalis sa kanyang isip ang sinabing iyon ni nana Rosa. Mas lalo iyon nadepina ngayon habang minamasdan niya si Zach at si Adrian na mahigpit na nakayakap sa isa't-isa habang mahimbing na natutulog.
They are both holding each other tightly as if they are scared that someone will break them apart.
Makikita sa yakap na iyon kung gaano na miss ng mga ito ang isa't-isa at napakasakit isipin na ipinagkait niya iyon sa anak sa loob ng mahigit na isang buwan. Because of her grudge and her selfish reason, her son suffered.
"Tapos na ba kayong mag-usap ni nana Rosa?" halos bulong lang na tanong ni Adrian.
Bahagya pa siyang nagulat. Hindi niya namalayan na nagising ito, o tulog nga bang talaga ito?
Nakita niyang dahan-dahan nitong kinukuha ang braso mula sa pagkakaunan kay Zach, he was doing it so gently para hindi magising ang bata. Adrian knew well that Zach is a light sleeper, konting ingay lang ay nagigisin