PAKIWARI ni Kayden ay huminto ng mahabang sandali ang pagtibok ng puso niya matapos marinig ang balita ni Dra. Hernandez. Nawawala raw si Raven at hindi ito mahagilap sa loob at labas ng ospital na iyon.
Bumakas ang matinding pagkabahala sa kaanyuan ng ama niya habang nakatitig sa kaniya. Habang sila Amanda at Athena ay tahimik na nakamasid lang.
Nang makabawi siya ay nagmamadali niyang tinungo ang private room ng ospital kung saan ini-admit si Raven upang tiyakin na hindi mali ang balitang dala ng doktor, at ganoon na lang ang panlulumo niya nang makitang wala nga roon ang asawa at tanging hospital gown na lamang na hinubad nito ang kaniyang nakita.
Tiim-bagang niyang kinuyom ang mga kamao upang pigilan ang paglukob ng galit, panlulumo, at sakit sa pagkatao niya.
Gusto niyang magsisigaw, ngunit sinikap niyang pigilan ang sarili. Kinimkim niya lahat dahilan para sumikip ang kaniyang paghinga. Nasapo niya ang nananakit na dibdib kasabay ang panlalabo ng paningin at pakiwari niya ay