[Genesheya pov]
Malaki ang pinagbago ni Trevor simula ng umuwi siya. Madalas ay palagi na itong nakangiti sa tuwing kausap ako. Nagtataka man ay dahil sa pagbabago nito ay isinawalang bahala ko na lang ‘yon. Ang importante ay masaya kami habang nakikilala ang isa’t isa.
Katulad ng aking nakasanayan ay bumaba ako ng maaga para magluto ng almusal. Pero pagdating ko sa kusina at nadatnan ko si Trevor na abala sa pagluluto. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng paghandaan ako nito ng pagkain.
“Nag abala ka pa.” Nahihiya kong turan sa kanya.
“Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatan na ipagluto ako?” May ngiti sa labi na tanong nito. “Sinabi ko naman sa’yo, diba, hindi lang ikaw ang nagdesisyon na gagawin ang obligasyon bilang asawa. Ako din, Sheya. Ayoko naman na maghihiwalay tayo ng puro masamang alaala ang baon mo tungkol sa akin.”
Maghihiwalay? Naku, mali ka, Trevor. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo… Isip-isip ko.
Napangiti na lamang ako sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko. “Salama