Chapter 45
“Kainan na!” masayang sigaw ni Ariana.
Lahat kami ay nagtawanan sa sinabi niya. Sabay sabay kaming umupo sa upuan. Napa-ngiti ako at mabilis na natakam nang makita kung gaano kadami at kasarap ang mga pagkain.
“Eat all you can,” bulong sa'kin ni Damon.
Tumawa ako at tinanguan siya.
I am currently in Damon's house. Kasama ko si Ariana, Damon at Marco. Pati sila tita at tito ay kasama ko rin. It's twelve o'clock midnight. It's christmas!
Tutal ay wala naman ako kasamang magpasko. Mas mabuting dito na lang ako magpasko kayla Damon. Tutal ay 'yon din naman ang gusto niya. Ayoko namang magdiwang ng christmas na walang kasama. I don't want to be alone, specially in this kind of occasion. Nakakalungkot.
“Mas marami mas masaya talaga,” utas ni Tita Bernadette.
Tumango si tito, “Kumain kayo ng marami,” aniya at nginitian kami.
Nagkatinginan kami ni Marco at parehas na tum