CHAPTER 63
Masakit ang ulo ko nang magising ako. Sobrang dami ko yatang nainom kagabi kaya parang ang sama ng pakiramdam ko.
Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Mabilis na nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na nasa kwarto ako. Kwarto ko mismo.
"Good Morning."
Mabilis akong napa-tingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Damon na papalapit sa'kin habang naka-ngiti. Nag-iwas ako ng tingin at umayos ng upo.
Then I remember what happened. Kagabi ay nandoon siya sa bar habang umiinom ako. Hindi ko na maalala ang ibang nangyari dahil na rin siguro sa sobrang kalasingan.
"What are you doing here?" malamig na tanong ko. Hindi ko pa rin siya tinitignan kahit na alam kong umupo siya sa tabi ko.
"Hinatid kita kagabi dahil lasing na lasing ka," he said, mas lalong lumapit sa'kin kaya bahagya akong lumayo. Narinig ko ang buntong hininga niya.
Hindi ako maka-tingin sa kaniya dahil naaalala ko lang ang pagtataksil niya sa'ki