Khaliyah POV
Ngayon na lang ulit ako nagising sa kuwartong ito. Tiningnan ko ang paligid ng lumang kuwarto naming ni Larkin sa bahay namin dito sa Norzagaray. Marami na palang alikabok, halatang hindi pumapasok dito sina Beranichi para mangialam ng gamit.
Huminga ako ng malalim. Dinampot ko ang unan niya at saka ito niyakap.
“Patay na ba siya? O buhay pa?”
Itinapon ko ang tanong na iyon sa hangin habang nakatitig sa kisameng puro sapot na ng gagamba. Pero gaya ng dati, wala rin namang sagot. Hinila ko ang kumot at bumangon na. Naisip ko kasing linisin ang kuwarto naming ngayong araw para sakaling magbalik man siya, malinis at maayos pa rin ang bedroom namin.
Paglabas ko sa kuwarto, naamoy ko ang nilulutong sinangag at pritong itlog sa kusina. Si Beranichi ang nadatnan kong naroon..
“Tamang-tama, mag-almusal na tayo, Khaliyah,” nakangiting bati niya. “Sabi nga ni Ipe, sabik na sabik na siyang makasalo ka ulit sa pagkain.”
“Sila Poge at Uda?” tanong ko.
“Ayon, natutulog pa sa dati mong