Sa bahay ni Cris
Magkahawak kamay si Cris at Jen habang naglalakad sa baybayin pauwi sa bahay. Si nanay Nita at Jane naman ang magkasama na naglalakad sa likod nila.
"Ehemmm, baka naman pwede nyo na akong bigyan ng apo niyan" biglang imik ni nay Nita at napahalakhak naman si Jane.
"Nay gusto mo simulan na namin ngayon gumawa habang maaga pa" saad naman ni Cris.
"Jen anak, dapat nanay na rin itawag mo sa akin ha, at saka huwag kang mahihiyang lumapit sa akin kung ano man ang problema ninyong dalawa" dagdag pa ni nay Nita.
"Opo nanay" matipid at masayang sagot ni Jen.
Tahimik lang si Jen habang naglalakad sila pauwi, nang makarating na sila sa bahay nagpaalam na si nay Nita at Jane na matutulog na at ngumiti lang si Jen habang tinitingnan sila na kanya kanyang pasok sa mga kwarto nila.
Inakbayan siya ni Cris patungo sa kwarto nila.
"Mahal, may napansin lang ako sayo ngayong gabi habang papauwi na tayo na napakatahimik mo" seryosong tanong ni Cris na may halong pag aal