Malamig ang gabi, ngunit parang nanunuyo ang lalamunan ni Allie habang kaharap si Blake sa kanilang pribadong kwarto sa bahay nito. Matapos ang usapan nila sa opisina, alam niyang may mas malalim pang dapat mabatid sa katauhan ng binata. Lalo siyang kinikilabutan sa ideyang maaaring masaktan siya muli, ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang malaman ang totoo.
“Blake,” basag ni Allie sa katahimikan habang nakaupo sa gilid ng kama. “Sabi mo may mga bagay kang pinaprotektahan. Handa akong pakinggan, pero kailangan mong maging tapat.”
Tumitig si Blake kay Allie. Ang kanyang mga mata ay parang may binabantayang lihim, ngunit puno rin ng pagmamahal. “Allie, hindi ko nais na magtago ng anuman sa’yo, pero mahirap para sa akin. Ang negosyo, ang pangalan ko… lahat iyon ay konektado sa pamilya ko. Ang mga tao sa paligid ko, lalo na si Sophia, ay bahagi ng mga kaguluhan na sinusubukan kong