"Welcome back Uncle Tommy, Aunt Sheena.." magiliw na hinalikan ni Sharon ang daddy at ina ni Toby. Pagkatapos niyang maka bonding after an hour ang kaniyang mga magulang ay lumapit ito sa amin, hinayaan niyang umuwi ang mga ito ng hindi siya kasama.
"Where's Salve and Gordon?" magiliw na tanong ni Daddy kay Sharon. We were at Kusinang Pinoy sa level 4 ng Ninoy Aquino International Airport. Ito kaagad ang hinahanap ng Daddy at ni Aunt Sheena ang pagkaing Pinoy.
"Oh, nauna na silang umuwi sa bahay Uncle. Tatawagan na lang raw kayo, alam mo naman si Mommy, hindi pa rin nasasanay sa biyahe sa eroplano, nagkaka jetlag pa rin." Sharon let a low chuckle.
"Hmnn, bakit? Hindi pa ba kayo nagsawa sa isat-isa?" nakangiting tukso ni Sheena kay Daddy.
"Oh, Aunt Sheena, alam mo na... best friend for life sina Daddy Gordon and Uncle Tommy." kinikilig na sabi ni Sharon. Sharon sat beside me.
Toby was seated beside his mother who sat next to my Dad. Together, we are waiting for our order.