"MAY I DANCE with you?" tanong ng estrangherong lalaki na ikinagulat ni Calley. Nakalahad ang mga kamay nito sa kanyang harapan ngunit tipid ang ngiti na sumilay sa labi nito.
"But I was the first to invite her to dance. Can you wait until we finish?" sagot naman ni Zayne sa lalaki. Bakas sa tinig ng kanyang boss ang iritasyon dahil sa biglang pagsingit ng estranghero sa kanilang dalawa.
Nagtama ang paningin ni Calley at ng lakaking estranghero, at hinding-hindi siya maaaring magkamali, kahit hindi niya nakikita ng buo ang mukha nito dahil sa maskara kilalang-kilala naman ito ng kanyang puso. "Zack..." saad niya sa kanyang isipan habang nakatingin sa mga mata nito. Kahit natatakpan ng maskara, hindi maitatago ang taglay na kagwapuhan ni Zack ng mga oras na iyon. Bagay na bagay sa lalaki ang black velvet tuxedo na suot, na tulad ni Zayne ay mapagkakamalan ding artista o kaya ay modelo.
"I'm not talking to you. Besides, I want to dance with my girlfriend. Do you have a problem w