BROOK XAVIER....
Ang planong pahinga ay sinira ng kan'yang mga pinsan. Pasalampak s'yang naupo sa tabi ni Luke kaya natuon sa kan'ya ang tingin ng lahat.
"Hoy gago hindi mo ba kami papasukin sa unit mo? Bakit ka naupo din d'yan, buksan mo kaya ang pinto? Kanina pa namamanhid ang binti ko dito," sita sa kan'ya ni Adrian ngunit pinakitaan n'ya lang ito ng gitnang daliri.
"No! Hindi kayo pwedeng pumasok sa unit ko," sagot n'ya. Ayaw n'yang guluhin ng mga pinsan ang kan'yang unit dahil pupunta dito bukas si Autumn. Gusto n'yang malinis ang bahay n'ya para sa kasintahan.
"Putang'ina! Nagiging madamot ka na Brook, kanina pa kami naghihintay sayo dito tapos ngayon hindi mo man lang kami papasukin?" angal ni Vince sa kan'yang sinabi. Ngayon n'ya lang napansin na nandito din pala ang ibang pinsan nila na minsan lang kung magpakita sa kan'ya.
Si Luke, Vince at Pierre ay mga pinsan nila na iba ang trip sa buhay. Mgal loko-loko ang hitsura ng mga ito at parang mga taong grasa minsan ngunit mapan