BROOK XAVIER...
The weekend is fantastic! Nasa bahay lang sila pero napakasaya. Pakiramdam n'ya ay sanay na sanay na s'yang kasama si Autumn sa bahay kaya naman ng magpaalam na ito na uuwi na ay bigla s'yang nalungkot.
Parang ayaw n'ya na itong pauwiin at gusto na ibahay na lang.
"Anong mukha yan Brook? Stop sulking!" saway sa kan'ya ng kasintahan. Nag-aayos kasi ito ng mga gamit para sa pag-uwi at s'ya naman ay nakasimangot na nakaupo sa sofa sa loob ng kanilang kwarto.
"Dito ka na lang kasi tumira," ungot n'ya pa rito. Ibinaba nito sa kama ang damit na tinutupi at lumapit sa kan'ya. Pabukaka itong naupo sa kan'yang mga hita at yumapos sa kan'yang leeg.
"Oh my baby is being clingy! So cute," lambing ni Autumn ngunit busangot pa rin ang mukha n'ya at iniiwasan na magtagpo ang kanilang mga mata.
Nakakahiya ang kan'yang inaasal na parang bata pero wala s'yang pakialam. He wanted her to be with him most of the time.
"Brook! Tama na yan, araw-araw naman tayong magkikita sa office."
"Iba p