BROOK XAVIER...
Tanghali na pero hindi pa rin maipinta ang kan'yang hitsura dahil hindi s'ya pinapansin ni Felicity.
Hindi din ito pumasok sa kan'yang opisina. Hindi s'ya makapag focus sa kan'yang trabaho. Ang dami n'ya pang kailangang pirmahan ngunit wala s'yang nagawa simula pa kanina. Hinihintay n'yang pumasok sa loob si Felicity ngunit hindi nangyari.
Binuksan n'ya ang kan'yang computer at tiningnan ang cctv sa labas. Nakita n'yang nakaupo ang kasintahan at seryosong nakaharap sa computer nito.
"Hindi talaga ako mahal ng babaeng ito," nakabusangot na sabi n'ya ngunit maya-maya lang ay binawi n'ya din.
"Hindi— mahal n'ya ako at nag-iinarte lang ito sa akin," pambawi n'ya sa kan'yang sinabi kanina. Hindi na s'ya nakatiis pa, tumayo s'ya at lumabas ng opisina.
Dumaan s'ya sa harapan nito ngunit hindi pa rin s'ya pinapansin ng dalaga. Kahit na tumayo na s'ya sa gilid ng mesa nito ay wala pa rin. Parang hangin lang s'ya sa paningin nito kaya mas lalo s'yang nainis.
"Ayaw mo talaga ako