Forgive and Forget
Namamaga ang aking mga mata pagtingin ko sa salamin kinabukasan. Huminga ako nang malalim at naghilamos ng aking mukha. Hindi ko alam kung ilang oras ako umiyak habang inaalala ang mga nangyari kahapon. Dumeretso na agad ako sa aking kwarto matapos akong ihatid ng dalawang magkapatid na Cuevas. Hinayaan nila akong umiyak at wala silang imik sa buong byahe na iyon.
Miyerkules ngayon kaya naman medyo maglapit na magtanghali ng magising ako dahil wala akong pasok ngayon.
Mukha naman na late din nagising ang aking mga pinsan o maaga silang nagising?
Tahimik akong lumabas ng aking kwarto at matamlay na pumunta sa kusina. Napansin kung nakahain na ang mga pagkain sa lamesa at tanging si Ate Estelle, Kuya Zaxton, Adam, Raya at Shivani ang naroon. Napatigil sila sa kanilang pagkwekwentohan ng makita nila ako.
"Gising ka na pala, Lex kamusta pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Ate Estelle. Pilit akong ngumiti at umupo sa tabi ni Raya. Lumingon ako sa buong paligid dahil baka a