Maghanap
Library
Home / Romance / Bewitching the Mafia Boss / CHAPTER 20

CHAPTER 20

Author: queenlavender
2022-04-07 06:00:22

AUDREY

Nagising ako sa liwanag na sumisilaw sa aking paningin kaya kumunot pa ang noo ko. Dahan-dahan kong iniangat ang kaliwang kamay ko pero bigo ako dahil tila nanghihina ako at medyo malabo ang aking paningin. Basta ang alam kong nakikita ko ay puting kisame at may malakas na hangin na pumapasok ngayon sa aking ilong at nakikiliti ako dahil dito.

"Oh my gosh! Call a Doctor dali!" rinig kong sabi ng isang babae na sa tingin ko ay malapit ang kaniyang kinaroroonan sa akin. Sino na naman ba ito? "Audrey? Audrey, gising ka na?" tinignan ko ang taong nagtanong sa akin kahit medyo malabo ay alam ko kung sino ito.

"K-kaya nga naka-m-mulat diba?" pambabara ko kahit sa likod ng panghihina ko. Kahit kagigising ko lang ay hindi ko mapigilan ang ganitong ugali ko. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi at nakita ko ang pagtulo ng kaniyang mga luha mula sa mga mata nito. “Akala ko hindi ka na magigising, bruha ka!” sabi niya habang umiiyak pa

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App