Hindi rin maintindihan ni Kyro sa sarili niya kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya. Kahit siya ay nagulat.
“Mas gumaan ba ang pakiramdam mo?” muling tanong ni Vaiana habang patuloy ang pagmamasahe sa sentido niya.
Bahagyang dumilat si Kyro, saka tumango nang marahan. “Oo. Mas gumaan na.”
Alam