"They are so cool!" hindi na rin napigilan na bulalas nitong mga kasamahan ko habang pinapanuod sila Tyrone sa kanilang mga kalokohan na pinaggagagawa.
"Ikaw ang tumawag sa kanila dito diba Ate Lauren?" baling ni Ivee sa akin. "Paano yun nangyari? Bakit mo sila nagawang papuntahin dito?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Lahat ng kanilang mga mata ay nabaling sa akin. Punong-puno iyon ng mga katanungan at hindi ko alam kung saan uumpisahan ang pagkukwento sa kanila.
"Charrggggee!!"
Nabaling ang lahat ng atensyon namin sa sigaw na iyon.
It's Alpha Wilson together with other Alphas from West District.
At mula sa border naman ay ang sangkaterbang mga lobo galing sa Timog na Distrito.
"How.. How come that they still have that number?!" bulalas ng mga kasama ko.
Pati ako ay nabigla. Ang dami nang nalagas sa kanila mula pa kanina pero sa bilang ng mga sumusugod ngayon ay parang wala man lang nabawas sa pwersa nila.
If they're