BIANCA POV
"Akala ko wala kang plano na ipakilala ang mga bata sa ama nila? Kay Daniel? Anong nangyari?" tanong ni Arnold habang nandito kami sa garden. Akala ko ihahatid niya lang kami kanina pagkagaling sa amusement park pero nagkakamali ako. May balak pala siyang kausapin ako sa isang bagay na hindi pa ako ready na pag-usapan.
"Iyan din ang plano ko! Pero nagbago ang lahat noong nagkita kami ni Daniel! Bigla kong na-realized kanina na bigyan siya ng chance lalo na at nakita ko kung paano niya alagaan ang anak nilang dalawa ni Jeneva!" kaagad kong sagot sa kanya. Napansin kong natigilan naman si Arnold.
"Matagal na panahon kong kinimikim ang galit sa puso ko para sa kanya at ito na din siguro ang time para i-let go ko iyun! Lalo na at malapit nang dumating ang oras na tuluyan na kaming mawalan ng ugnayan sa isa't isa!" muli kong bigkas sa kanya.
"Bianca...sorry! Pero aaminin ko sa iyo na natatakot ako na baka mahulog ka ulit sa kanya! Alam mo naman siguro kung gaano ako kat