Chapter 87
"Hindi ka na ba sasama sa akin ? " Muling tanong ni Kuya Ryker.
Maaga akong nagising ngayon dahil magkikita kami ni Janine.
Si Kuya Ryker naman ay dito na sa bahay ni Daddy pinatulog.
"No. I don't want to see her anymore." Malamig na sabi ko.
"Okay. Aalis na ako, Vittoria. Sasabay ka ba ng uwi sa akin bukas?" Tanong pa niya sa akin.
"Yes, kuya. Wala naman akong trabaho. Tsaka, invited ako sa birthday ng anak ni Mariz. " Seryosong sabi ko kay Kuya.
" Wala ka pa bang balak na bumalik sa trabaho? " Napabuntong hiningang tanong ni Kuya.
" Nah, saka na. Don't worry, Kuya. May ipon naman ako , mabubuhay pa naman ako ng ilang years kahit hindi ako magwork." Tawa ko sa kanya.
"Silly. Hindi iyon ang ibig kong sabihin, I just want to tell you that na kahit anong gusto mong gawin ay susuportahan kita. Just don't hurt yourself, again. Nandito lang si Kuya para sayo, Vitto. " He smiled genuinely.
" Thank you, kuya. Pahinga muna ako, Kuya. Sa totoo lang ay hindi ko kaya mentally