Money can buy happiness. Ngunit hindi sa lahat ng tao, hindi sa lahat ng pagkakataon. Dahil hindi lahat nabibili ng pera at isa na iyon ang kapayapaan ng puso at isip ng isang tao.
Hindi niya iyon maintindihan dahil namulat siya na ang lahat ng bagay ay napapaikot gamit ang pera. Napapasaya siya ng yaman niya dahil isang pitik niya lang makuha niya ang mga gusto niya. Ngunit sa puntong ito ay mali siya. Dahil nakikita ko sa kanya na hindi siya masaya kahit napalibutan siya ng yaman niya.
Puno ng galit at poot ang puso niya. At iyon ang hindi kayang burahin ng pera niya.
"How dare you..! " mariing sambit niya sumisiklab ang mga mata sa galit. "Sa estado mo halata masyado na pera ng anak ko ang gusto mo! Pera babae! At iyan ang i*****k mo d'yan sa kukote mong maliit at walang alam! Sa tingin mo makuha mo lahat ng yaman ng anak ko kapag kasal na kayo? Hindi! Hindi iyon mapapasaiyo! Tandaan mo! "
Napabuga ako ng hangin na sinundan siya ng tingin palabas ng silid. Kung iyon ang paniniwal