Day 370—JUNE 24, 2024—SHANGRI-LA HOTEL
"Aish! Kainis! Ngayon pa talaga!" angil ni Cheska nang mabali ang kanan takong ng kanyang sandal. "Regalo pa naman ni X 'to!" Nagmamaktul pa na sabi ni Cheska sabay alis ng high heel shoes nito sa paa. Imbes na suutin—nagpaa na lang ito na tumungo ng venue.
Nang nasa bungad na siya ng pintuan at akma ng papasok nang harangan siya ng security guard.
"Miss? ID po?"
Nagulat si Cheska. Hindi niya alam na may ganoon na patakaran na ginawa si Xavier.
"Ah? Manong guad—hindi po ako empliyado pero kilala ko po ang boss nila—si Engineer Alcantara po."
"Pasensya na po Ma'am—pero no ID, no Entry po tayo."
"Ganoon ba? Sige, tatawagan ko na lang ang kilala ko sa loob."
Pumagilid saglit si Cheska. Kinuha ang telepono sa loob ng kanyang purse saka tinawagan si Xavier. Lumipas ang ilang minuto hindi pa rin sinasagot ni Xavier ang tawag. Iniisip ni Cheska na baka nagsasalota na ito sa harapan ng kanyang mga empliyado.
Napangiti si Cheska sa guard. "Hindi niya po s