CHAPTER 09: HE'S MY BOYFRIEND, DADDY
"Hoy hindi, ah!" Kaagad kong hinampas si Sandy na pilit akong tinutukso kay Lei. Pero mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Hindi? But look oh, you're blushing! Your face is so pula like strawberry!" panunukso niya habang tumatawa at kumuha pa ng prutas na nasa harap namin. Simula noong nai-kwento ko sa kanila iyong ginawa ni Lei para tulungan ako sa kahihiyan noong first day ng period ko ay lagi na nila akong inaasar. "Girl, ang tahimik mo!" puna naman niya kay Erica na hindi nagsasalita. Nakatutok lang siya sa phone niya. "Oh? No! I'm just busy thinking of something..." aniya at ibinaba ang phone. "Thinking of something? O someone!" Sinubukan kong ipasa ang pang-aasar sa kanya. "Sabi ni Sandy, crush mo raw si Dylan!" "What?! No!" mabilis siyang tumayo at tinakpan ang bibig ko kaya halos hindi na ako