CHAPTER 10: TREAT YOU BETTER
"I didn't know you're serious about that boy!" singhal niya nang makapasok kaming dalawa sa kotse niya at inilagay niya sa back seat ang bulaklak na hawak niya kanina. Napakagat ako ng pang-ibabang labi. "Akala ko kasi, okay lang sa 'yo, daddy. Alam mo naman na po, 'di ba? Tapos wala ka naman nang sinabi tungkol kay—" Napatigil ako nang pumikit siya at huminga siya ng malalim na parang kinokontrol niya ang sariling magalit. "I avoided talking about that boy because I don't want to get mad at you, Reina," kalmadong paliwanag niya at humawak sa manibela sabay pinaandar na ang kotse. "Break up with him. You are not allowed to date anyone unless you got your College diploma... not an elemantary diploma," mariing dagdag niya. Napayuko ako at napatingin sa box na regalo sa akin ni Lei na nasa kandungan ko. H