CHAPTER 20: IT RUNS IN YOUR BLOODLINE
Kaagad akong umatras nang lumapit siya sa akin. Umiling pa ako para maipakita kung gaano ako natatakot sa kanya at sa ginawa niya. "I'm sorry, baby. I'm just..." humina ang boses niya at narinig ko ang paghabol niya ng hininga. "I'm fucking mad!" iyon ang huli kong narinig bago ang tunog na hudyat bilang pagbukas ng elevator. Pumasok ako roon at kaagad na pinindot pasarado. Huminga ako ng malalim para taliman ang titig sa kanya nang tumalikod siya at napasabunot ng buhok. "Fuck you, Dimitri!" umalingawngaw sa buong hallway ang malakulog na pagmumura niya sa sarili at kita kong pinagsusuntok niya ang pader bago tuluyang sumarado ang elevator. Napasandal ako sa salaming nasa likuran ng elavator at napakapit sa hawakan dahil sa panghihina. Napahawak din ako sa sariling dibdib na makirot kahit malakas pa rin ang kabog. Hindi ako makapaniwalang doon lang mau-uwi ang pagiging kuryoso ko tungk