CHAPTER 22: CAN I GET YOUR NUMBER?
"Hi, Daddy Vladimir! Welcome to my Live and to my life!" nang-aakit pa ang boses niya at humagikgik sabay hinawi niya ang buhok patalikod sabay inilapit ibinaba ang anggulo ng camera. Kitang-kita na tuloy sa screen ang cleavage niya. Pati na ako at iyong akin kaya umayos ako ng upo at itinaas ang strap ng dress para umangat iyon dahil hindi ako komportable lalo na't maraming nanonood sa amin. "No, guys! Vladimir is just my crush! Shoritchi is my boyfriend and ya'll know that!" paglilinaw niya dahil maraming nagreklamong fans nila ng boyfriend niya. @JoMar: Reina lapit ka rin sa screen! Sarap mo! @izzme_sam: OMG ANG GWAPO NUNG VLADIMIR GUYS! GETS NA GETS KITA ATE ERICA! @Thanos Ford: Babe who's the hot girl you're with?