CHAPTER 24: EIGHTEENTH BIRTHDAY
"Nami-miss ko na si daddy," bulong ko kay Erica nang pindutin niya ang nasa unahang video ni Vladimir. Kamukhang kamukha niya si Daddy Dimitri ko pero iyon nga lang, mas bata ang itsura ng kaunti at walang balbas. Parang magkasing katawan sila o mas payat lang itong si Vladimir. Kitang-kita kasi ang malinis na kakisigan niya dahil wala siyang suot na damit habang may hawak na acoustic guitar at tumutugtog siya. "You came out the blue on a rainy night No lie I'll tell you how I almost died While you're bringing me back to life~" Talented pala siya at malamig ang malalim na boses. Slower version iyon. Napapikit pa siya at parang dinadama niya ang pagkanta. Hindi ko mapigilang mapasandal kay Erica. Para akong hinehele sa pagkanta ni Vladimir. Mas lalo kong na-miss si daddy dahil may hawig ang boses nila. "You're my angel Angel baby, ange