CHAPTER 25: OBSESSED AND TERRITORIAL
Pinagkrus ko ang braso sa ilalim ng dibdib at hinaplos ang braso nang awtomatikong tumaas ang kilay kong kanina ko pa pinipigilang umangat dahil ayaw kong magmukhang masungit sa harap ni Ate Fatima. "At kailan pa kita naging boyfriend, huh?" hindi makapaniwalang tanong ko at ngumisi nang mapakurap siya. "Kanina, kunyari daddy kita tapos ngayon, boyfriend naman?" Hindi ko mapigilang matawa. Ang lakas naman ng trip niya! Imbes na sumagot siya ay isa-isa niyang kinalas ang botones ng suot niyang long sleeves polo na kulay itim. Unti-unting humina at naglaho ang tawa ko dahil sa gulat. "Anong ginagawa mo?!" hindi ko mapigilang itanong at kaagad na tumalikod nang lumantad ang maskuladong katawan niya nang hubarin niya ang polo niya. Uminit ang pisngi ko dahil bigla kong naalala ang katawan ni daddy! Pero bakit naman niya naisipa