CHAPTER 34: FELT LIKE HOME
Napatili siya at yumakap sa akin ng mahigpit. Humalakhak ako at nagwawala na naman ang comment section sa mga GL shipper na naniniwalang may something kami ni Erica higit pa sa pagiging magkaibigan! "Reina, I wanna know the detail!" pagpupumilit pa niya. Sobrang pula na ng pisngi at leeg ko sa camera. Mabilis akong umiling at gamit ang kamay ay pinaypayan ko ang mukha kong sobrang init. "Mamaya na! Bawal i-share rito!" makahulugang sagot ko at kinuha ang thumbler niya para uminom doon. Mas uminit lang ang katawan ko dahil sobrang pait no'n! Humalakhak pa siya sa reaksyon kong halos masuka dahil sa pait mg lasa. Ang aga-aga, nanginginom na agad siya! "Okay, let's be serious na! Reina is here because I will be doing her hair and make-up for our special event later!" anunsyo ni Erica sa mga nanonood sa amin nang matapos kaming makapag-lunch.