CHAPTER 35: DO THE HONOR
"L-lei..." Nanginig ang boses ko at hindi ko napigilan ang sariling yakapin siya. Ibinaba niya ang bulaklak na hawak at inilagay niya ang isa pang kamay niya sa likod ko para marahang haplusin pataas at pababa. Napapikit ako at muling rumagasa ang luha ko. "Bakit ngayon lang?" hindi ko mapigilang magreklamo at humikbi. Ang tagal ko siyang hinintay! Ang dami nang nangyari! May girlfriend na siya. Meron na rin akong Vladimir. Huli na para sa aming dalawa. Pero bakit ganito 'yong nararamdaman ko? Parang bumalik lahat ng feelings ko para sa kanya. Natabunan iyong galit ko sa kanya. Masaya ako na kahit papaano, bumalik siya... tinupad niya 'yong pangako niya. "I got lot of problems, Rei. Family, finance, friends! It's been so lonely in La Salle. I thought doing my best and maintaining my grades will help my family. But I failed, Rei! Even how focused I am!" damang dama ko ang pag