Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View
Tinitigan ko ang earpiece na ibinigay sa akin ni Saverio. Nasabi naman na niya sa akin kung paano gamitin, eh. Puwedeng-puwede ko na ring isuot, dahil umalis naman na siya magmula pa kaninang madaling araw.
Hindi niya ako ginising. Saka ko lang din nalaman na wala na pala siya rito nang salubungin ako ng butler niya paglabas ko ng aking kuwarto.
Bumuga ako ng hangin, at itinabi ang earpiece sa mini drawer na malapit sa aking kama. Ang boring. Wala akong magawa rito kung hindi ay ang tumunganga lang.
Gusto ko nga sanang lumabas, pero saan naman ako pupunta?
Katatapos ko lang maligo. Dapat ay lalabas na ako para kumain nang agahan, pero parang wala akong gana. Ang kaso lang ay bawal magpalipas ng gutom. Maraming mga mata si Saverio sa bahay na ‘to.
“Ma’am,” bungad ng butler sa akin.
As usual ay nasa labas lamang siya ng aking kuwarto, at katabi ng pinto. Nasanay naman na ako na ganito palagi, pero ang unang nakakuha ng aking pansin ay isang