Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View
“Ano na ang gagawin natin?” tanong ko bigla.
Bawal umuwi, dahil baka may nag-aabang sa amin sa daan. Medyo malayo na kami, eh. Tingin ko ay tatlong barangay na ang nalagpasan namin.
Puwedeng marami ang nag-aabang sa amin ngayon sa tatlong barangay na nalagpasan namin. Ngunit kung magpapatuloy kami, baka mamaya ay marami na silang nakasunod sa amin.
Alam ko naman na marami kaming kasamang bodyguard. May mga bantay rin naman ang bahay ni Saverio. Pero kung marami ang nakasunod sa amin, paano na?
“Execute them,” Francesco muttered nonchalantly.
“What?” nalilitong tanong ko.
Akala ko ay nagbibiro lang siya kanina. Pero nang mapansin kong nag-aayos na siya ng baril niya, at tahimik na inilalagay ang mga bala sa magazine, natauhan ako. Marunong bang magbiro ang mga lalaking kasama ko?
“You can’t do that!” natatakot na pigil ko. “Baka may makarinig.”
“What’s the use of silencer?”
Itinikom ko naman kaagad ang aking bibig nang m