Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View
“Ang dami nila!” puna ko nang mapansin kong ang dami pa lang nakasunod sa amin.
Kung hindi ko pa tiningnan, hindi ko malalaman na maraming nakasunod sa amin.
Kahit gaano pa karami ang aking mga bodyguard, marami pa ring nakasunod sa amin. Kaya mas lalo akong nakararamdam ng takot.
Gusto kong tumulong, pero ano ba ang maitutulong ko kung ultimo paghawak ng baril ay hindi ko alam?
Napasinghap ako nang mapansin kong may tumutok ng baril sa amin. Oo, malayo sila, pero hindi kasi pistol ‘yon, eh. Sa pagkaaalam ko, rifle ‘yon.
May limit kasi ang pistol, eh. Hindi dapat malayo ang target, dahil may possibilities na hindi umabot ang bala kung sakali.
So far, ‘yon lang ang alam ko. Nababanggit kasi ‘yan sa mga novel, especially sa mga action na genre.
Sunod-sunod kong napansin ang pagbulusok ng mga bala sa likod ng SUV na sinasakyan ko. Mabuti na lang talaga, dahil bulletproof, pero hindi naman dapat ako kampante, eh. Kasi alam kong