Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View
“Organization ba ang brotherhood niyo?” tanong ko kay Francesco.
Nasa office ako ngayon ni Saverio, at kung gutom man ako, may nagbibigay naman ng pagkain. Hinahatid pa nga mismo rito sa office ni Saverio, eh.
“Sort of.”
Kumunot ang aking noo sa kaniyang naging sagot. Hindi ba siya sigurado?
“Since we’re a large member group, yes.”
“Bakit niyo ‘to binuo?” tanong ko sa kaniya.
I honestly had an idea about it, pero hindi ako sigurado, at gusto kong marinig mismo sa kaniya ang bagay na ‘to. I know I shouldn’t be digging for information. Kung ayaw niyang sabihin sa akin, maiintindihan ko naman. It’s just that, hindi ko na kasi talaga mapigilang magtanong sa kaniya, dahil naguguluhan na ako.
Ilang araw na akong nandito, at hindi na kami umaalis pa, dahil baka mamaya ay sugurin na naman daw ako. Mas mabuti raw na nandito ako sa headquarters nila para wala silang maging rason para sugurin ako lalo na ngayon na wala si Saverio.
Kinailangan nilang