Raven's POV
HINDI ko alam kung hanggang kailan ako natapos sa aking pag-iyak. Ibinuhos ko ang aking sama ng loob hanggang sa nakaramdam ako ng kaunting ginhawa.
Inilabas ko na rin ang ikinasama ng loob ko at pati sina Haze at Bree ay nakisimpatya. Wala din silang magawa at sinabi na lang na magiging okay din ang lahat.
Wala naman akong ibang magagawa kundi yun na lang talaga. Masakit pero kakayanin ko. Simula ngayon ay iiwasan ko na si Vander habang hindi pa ako nawawasak ng tuluyan.
Nabalitaan ko na nakauwi na daw si Vander pero hindi ako nagtangka na kausapin o hanapin ito. Mas mabuti na hindi niya ako makita. Napagdesisyon din namin nila Bree na tulungan ako na iwasan si Vander. Ang gagawin ko lang ay iwasan ko na makita niya ako at sina Haze na ang bahala.
Pakiramdam ko ay para akong isang kriminal sa loob ng fortress dahil para akong praning na tumitingin sa paligid bago ako maglakad palabas o papunta sa kung saan.
Pagkatapos din ng klase ay umuuwi ako kaagad at hindi na rin ako