Raven's POV
PAGOD na pagod ako ngayon araw dahil talagang seryoso si sir Blast sa klase namin. Halos nalamog na ang katawan ko dahil sa mga natatangap kong sipa galing sa kalaban ko kanina.
Buti na lang talaga at hindi kasali ang mukha sa pakikipaglaban dahil sigurado ako na may black eye ako ngayon kung nagkataon.
Wala sa sariling akong naglakad at nakatungo dahil nananakit din ang kalamnan ko. Gustong gusto ko ng magpahinga dahil pagod ako at hindi biro ang sakit ng aking katawan.
Pero nagulat na lang ako ng biglang may bumangga sakin at may bumagsak naman sa harapan ko.
Napaangat ako ng tingin at nagulat ako ng may nakita akong nakasalampak sa pathway at halatang nasaktan ito dahil bumagsak itong nauuna ang puwet.
"Ouch..." naidaing nito at sinubukan nitong tumayo pero hindi kinaya.
Kinakabahan na agad akong dumalo para tulungan itong tumayo.
"Patawad...hindi ko sinasadya." Naisaad ko pero parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig ng mapagsino ko ang nabangga ko.
Nakita ko sa