Lara Yves Cassidy
Kinuha ko na ng maaga si Pebbles sa bahay namin. Naaawa ako kay Lemuel pero pinilit ko lang ang sarili ko na hindi siya lingunin.
Ngayon na rin ang uwi nila Kate hihintayin ko na lang sila. Mukhang inalagaan naman ni Lemuel si Pebbles.
Pero nung nakita ko si Lemuel kanina nahahabag ako, naaawa ako sa kanya pero at the same time nararamdaman ko parin yung galit.
Pauwi na ako sa bahay nila mama, habang nagmamaneho ako tumawag si Kate na pa flight na sila pabalik sa Pinas. Ilang oras lang nandito na sila.
Mauumpisahan na rin namin ang pag iimbestiga ibabalik ko na lang muna siguro si Pebbles hahayaan ko muna sila magpahinga alam ko pagod sila.
Mga ilang minuto nakarating na rin ako sa bahay namin. Pumasok na agad ako dala dala si Pebbles. Nagulat ako sa nakita ko.
"Lara, anak nandiyan ka na pala. Please greet Mr and Mrs Torres." nanlaki ang mga mata ko nandito ang parents ni Lemuel. Agad kong