Lara Yves Cassidy
Sobrang sakit ng ulo ko, napabalikwas ako sa higaan nakikita ko na rin ang sinag ng araw. Umaga na pala, nakita ko si Lemuel sa kanang bahagi ko hindi ko na maalala ang mga nangyari kagabi.
"Paano ako nakapunta dito sa room at anong nangyari sa party?" nilamukos ko ang mukha ko dahil sa hindi ko matandaan ang nangyari.
Alasais na pala ng umaga at maaga pa ang flight namin.
Naisipan ko nang tumayo para mahimasmasan ako, naisipan kong magtimpla ng kape. Habang papunta ako sa kusina may nakita akong vest na nakasukbit sa sofa.
Sa lahat ng naaalala ko itong vest lang ang malinaw sa'kin. Hanggang ngayon hindi ko alam kung sino ang taong nagbigay sa'kin non.
Dumiretsyo na ako sa kusina para magtimpla ng kape, naisipan ko na rin gisingin si Lemuel dahil mamaya flight na namin para makapag handa na siya.
Pagkapasok ko sa room narinig ko na tumutunog ang phone niya, mukhang may tumatawag.
Agad ko naman itong sina