Lemuel Torres
Five days na lang kasal na namin ni Lara, kaya inaayos ko na ang mga dapat ayusin sa company para sa kasal namin para honeymoon na lang ang aatupagin namin.
Naglalakad pa si Lara ng mga gagamitin sa kasal like glass of wines, curtains, decorations, and some tokens. Gusto ko nga sana sumama kaso ayaw niya unahin ko na lang daw muna yung Company kasama niya naman si Kate sa paglalakad kaya alam kong ligtas siya.
Habang abala ako sa pag aasikaso ng papers may nakita ako na message sa email ko.
"Sino naman kaya ito?" dali dali ko itong binuksan. Wala man lang nakalagay na subject sa email pero yung pangalan ng sender LC lang ang nakalagay.
Binasa ko agad ang message dahil sa curiosity ko.
"Mr. Torres, if you're reading this letter right now let me remind you about our agreement last time. I can blow up your house or kill you right now if you're trying to escape from your respons