Pagbukas ni Dominic ng pinto, naabutan niyang nakatayo roon si May sa alanganing posisyon.
“Kuya Dominic...” wala nang nagawa si May kundi batiin ang lalaki, pilit na pinapakalma ang sarili habang nag-iisip ng magandang palusot kung bakit siya nandoon.
“Napadaan lang ako para tignan kung kailangan n’yo pa ng kape. Hindi ko inasahan na tapos na agad ang pag-uusap n’yo,” sabi ni May, pilit iniiwasang mapahiya.
Napaka-payak ng dahilan, kaya hindi ito pinatulan ni Dominic at malamig lang siyang tumingin kay May bago ito nilampasan nang hindi nagsasalita. Tahimik na sumunod si Martin sa kanya palabas ng silid.
Pagdating ni Martin sa pintuan, lalong tumindi ang pagkasuya niya nang makita ang kapatid niya sa ganoong sitwasyon.
Habang pinapanood si Dominic na pababa na ng hagdan, hinarap ni Martin si May at mahigpit itong binalaan.
“Mas mabuting tigilan mo na ‘yang mga iniisip mo. Kasi kapag may nangyaring hindi maganda, kahit ako, hindi na kita matutulungan!”
Alam ni Martin na hindi gusto ni