Cari
Pustaka
Beranda / Romance / Exclusive Wife Of A Billionaire / 265

265

Penulis: Anoushka
2025-06-10 14:20:38

Nararamdaman ni Shayne ang lungkot habang palabas sila ni Eldreed. Tahimik lang siya habang nasa sasakyan, at hindi maikakailang may bumabagabag sa kanya. Ang pagkikitang iyon nina Cynthia at Eldreed ay nag-iwan ng malalim na marka sa puso niya, para bang bigla siyang naging tagalabas sa pagitan ng dalawang taong may nakaraan. At ang pakiramdam na iyon ng panganib, mas matindi pa sa naramdaman niya noong si Divina pa ang naging problema nila.

Tahimik lang na umandar ang sasakyan. Balak sana ni Shayne na pumunta pa sa opisina para pag-usapan ang ad campaign kasama si Cyler, pero nawala na siya sa mood. At higit sa lahat, alam niyang may utang na paliwanag si Eldreed sa kanya.

"Shayne..." sabay lingon ni Eldreed habang magkatabi silang nakaupo sa likod ng sasakyan. Napansin niyang malamlam ang mukha ng dalaga, at hindi na niya kailangang hulaan pa kung ano ang iniisip nito. Huminga siya nang malalim. Hindi niya talaga balak ipaalam kay Shayne ang tungkol kay Cynthia, pero ngayong nakita
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi