Pagkauwi ni Eldreed sa bahay, agad siyang nabadtrip nang makita si Cynthia. Hindi niya ito gustong makita, lalo na ngayon.
Pinipigilan niya ang sarili. Hindi dahil sa galit kay Cynthia, kundi dahil alam niyang kailangan niyang alamin ang totoo sa nangyari kay Shayne. May lason sa katawan ni Shayne. At may ideya na siya kung sino ang may kinalaman doon.
"Eldreed!" Nagulat si Cynthia nang makita ang pasa sa mukha ni Eldreed. “Ano'ng nangyari sa’yo? Who did this to you?!”
Hindi siya sinagot ni Eldreed. Tahimik lang siyang umupo habang si Cynthia naman ay nag-utos na maghanda ng gamot at malamig na tuwalya para sa pasa niya. Sa halip na maappreciate, lalong naiinis si Eldreed. Lahat ng ‘pagkamaalaga’ ni Cynthia ngayon ay parang nakakasuka na sa kanya.
Akala niya noon mabait si Cynthia. Pero sa likod pala, kayang manira at manakit para lang makuha siya. Naisip ni Eldreed, wala na siyang mukhang maihaharap kay Shayne. Pero kahit kaunti, gusto niyang bumawi.
"Eldreed!" tawag ulit ni Cynthia.