"Ilang araw na ba kayong nagpa-practice? mukha ka ng pagod na pagod Sha, pahinga naman pag may time." Sabi ng kaibigan na si Alissa.
Napabungtong hininga si Shanel bago sumagot.
"Sobra pa lang nakakapagod ang ganitong pageant. Bali samahan nyo ko kunin yong mga gagamitin kong mga damit mamaya ha. Gusto ko kasing hingin ang opinyon nyong dalawa kong ano ang maganda at mga bagay sakin."
"Buti na lang at di ako sumali. hahaha, thanks to my lovey baby. At iniwas nya ko sa stress." Sabi ni Lilith habang nagpapaypay.
"Che ka jan e di ikaw na ang my love life." Inis na sabi ni Alissa kay Lilith.
Tumawa lang si Lilith "hahaha ako na nga."
"But speaking of love life kanina nakita ko si Kenz ang sabi papasok na daw sya bukas. Ano kayang mangyayari?" Si Alissa.
"Wala akong paki sa kanya. Maayus na buhay ko. I'm better off without him. Kaya wag nyo na paalala kasi nakamove on na ako. Kung may feelings pa ko para sa lalaking yon yon eh baka sobrang galit at pandidiri."
"Yan tama yan. Mas matapang