Chapter 11
Third POV
Habang nag-uusap sina John at ang tita ni Safara sa gilid ng venue, kitang-kita ang bigat sa kanilang mga mata.
"Tita, kailan mo sasabihin kay Safara ang totoo? Hindi mo ba naisip kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya ito mula sa iba?" tanong ni John, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Hindi kaagad nakasagot ang tita ni Safara. Pinilit niyang maging matatag, ngunit bumigay din ang kanyang damdamin. "Hindi ko alam, John. Ayokong masaktan si Safara. Ayokong may kahati siya sa pagmamahal ko."
Nagkibit-balikat si John, halatang hindi kumbinsido sa sagot nito. "Tita, hindi mo siya mabibihag sa kasinungalingan. Mas mabuti pang malaman niya mula sa iyo ang totoo kaysa sa ibang tao."
Ngunit bago pa makasagot muli ang babae, pumatak na ang kanyang luha. "Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin, John. Kitang-kita ko sa sarili kong mga mata ang kanyang kababuyan."
Habang nag-uusap sila, nag-umpisa na ang program ng pageant. In-announce ang mga hurado,