Chapter 14
Pagkatapos kong nagpapaalala sa aking mga malapit na kaklase ko ay agad akong umalis dahil ngayon araw kami aalis ni mama papunta sa stage.
Sa pag-alis ko ah bitbit ko ang isang pangako, pangakong babalikan ko sila ay paghigantihan sa lahat na ginawang pasakit sa akin.
Habang nasa biyahe kami ni Mama papunta sa Stage, hindi ko maiwasang balikan ang lahat ng nangyari. Ang mga sakit, pagtataksil, at kawalang hustisya—lahat iyon ay nagbigay sa akin ng lakas. Pinili ni Mama na umiwas sa gulo, ngunit sa puso ko, alam kong hindi ko hahayaan ang ganoong pang-aapi.
"Anak, okay ka lang ba?" tanong ni Mama habang hawak ang aking kamay.
"Okay lang po ako, Ma," sagot ko. "Masaya akong kasama ka."
Ngumiti siya, ngunit may bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. Siguro’y iniisip niya kung paano kami magsisimula muli.
Pagdating namin sa Stage, sinalubong kami ng lola’t lolo ko. Niyakap nila si Mama nang mahigpit at inabutan din ako ng mainit na yakap.
"Anak, pasensya ka na sa mga pagkukul