Chapter 54 (Final Chapter)
Safara POV
Nakasimangot akong tumingin kay Vince. Ewan ko ba—hindi ko talaga maiwasang tingnan siya nang masama. Parang... nakakainis siyang tingnan. Naiinis ako. Nandidiri ako. Naalibadbaran talaga ako sa kanya.
"Hoy, ikaw!" sigaw ko. "Ano pa ang tinunganga mo diyan? Umalis ka nga! Naiirita ako sa mukha mo! Bakit amoy imburnal ka—hindi ka ba naliligo?! Ang pangit-pangit mo. Para kang... ay ewan! Basta umalis ka na! Ang baho-baho mo!"
Tahimik lang siya. Wala ni isang reklamo. Pero mas lalo akong inis. Bakit hindi man lang siya sumasagot?
"Ah, Safara anak," sabat ni Mama Irene, halatang gustong ilihis ang tensyon. "May gusto ka bang kainin?"
Nag-isip ako. Tapos bigla na lang—boom, craving activated.
"Speaking of pagkain, parang gusto ko ng nilagang lutyà… tapos yung pinasíran na bagoong na may siling pula, kalamansi, saka kamatis." Nalaway ako habang iniimagine 'yon. "Gustong-gusto ko talaga ‘yun."
Napatingin ako sa kanila… tawa sila ng tawa.