Cari
Pustaka
Beranda / Romance / HER TURN TO BREAK HIM / Kabanata 03

Kabanata 03

Penulis: SKYGOODNOVEL
2025-01-02 14:35:51

Kabanata 03

Safara POV

Tahimik akong naupo sa upuan na itinuro ng professor, hawak ang aking notebook, at pilit na iniiwasan ang anumang mata na nakatuon sa akin. Ang katabi ko, si Vince Rosales, ay halatang hindi natuwa na may bagong upong inilapit sa kanya. Malinaw iyon sa kanyang ekspresyon—malamig, matalim, at puno ng yabang. Mukha siyang palaging nasa sentro ng atensyon, kaya siguro hindi niya ikinatuwa na may kasamang bagong mukha.

Habang nagsisimula ang discussion, iniwasan kong magpakita ng anumang emosyon. Pinilit kong mag-focus sa lecture tungkol sa Economics, na talagang kinagigiliwan ko. Sa kabila ng lahat ng bulung-bulungan at mga mapanghusgang tingin, determinado akong makapasa.

“Miss Gomez,” tawag ng professor, na ikinagulat ko. “Siguraduhin mong matutulungan mo si Mr. Rosales sa mga discussions kung kinakailangan. Mukhang mahina siya sa mga nakaraang exams, lalo na ngayon!" sabi niya sa akin.

Napatingin ako kay Vince, na tila napikon sa sinabi ng professor. “Hindi ko kailangan ng tutor,” malamig niyang sabi, ngunit hindi na siya sinagot ng propesor.

Pagkatapos niyang sabihin ay agad naman nag bulong-bulungan ang mga ka-klase namin na parang bubuyog dahil sa sagot ni Vince sa aming Prof. Pero hinayaan ko na lamang sila at agad binalik ang aking atensyon sa aking ginawa.

Kasulukuyang kasi ako gumuhit kung anu-ano. Katunayan nga ay naiguhit ko na ang pamilyang Alcantara at laking tuwa ko dahil isinabit ito sa kanilang sala.

Pagkatapos ng klase, mabilis kong inayos ang mga gamit ko, nagbabakasakaling makalabas ng classroom bago pa ako abalahin ng iba. Pero mabilis si Vince. Tumayo siya at hinarang ang daanan ko, na para bang nasaktan ang pride niya sa sinabi ng professor kanina.

“Taga-saan ka?” tanong niya, ang tono niya’y halatang nagmamasid.

“Baguhan lang ako rito,” sagot ko nang mahinahon, iniiwasang magalit o mainis.

“Hmph,” tumikhim siya, tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Mukha kang seryoso at nerd. Pero mag-ingat ka rito. Hindi lahat ng tao dito kasing bait ng inaakala mo," sambit niya sa akin.

Hindi ko alam kung babala iyon o panunuya, kaya tahimik na lang akong tumango at tumabi para makadaan. Narinig ko pa ang kanyang mahinang buntong-hininga habang naglalakad ako palayo.

Sa tanghalian, tulad ng sinabi nila Ate Leah at Ate Mae, nandoon sina Mae at Leah sa ilalim ng malaking puno sa courtyard. Hinintay nila ako, may dalang dagdag na pagkain tulad ng dati.

“Ano, kumusta ang first day mo?” tanong ni Mae habang nag-aabot ng sandwich.

“Okay lang,” sagot ko. “Medyo nakakapanibago," agad kong sagot.

“Balita namin, si Vince Rosales ang katabi mo sa klase,” dagdag ni Leah, na halatang naintriga.

"Oo," sagot ko. "Pero wala naman siyang ginawang masama?" sagot ko sa kanila.

“Si Vince? Siya ang tagapagmana ng Rosales Shipping Empire,” ani Leah. “Kilala siya rito bilang ‘untouchable.’ Wala siyang pakialam sa sinuman, kaya mag-ingat ka," paalala niya sa akin.

“Pabayaan mo na ‘yan,” sabi ni Mae habang ngumunguya. “Hindi ka dapat maapektuhan ng mga tulad niya," bigkas nito habang busy ito sa pagkain.

Tumango ako, pinipilit kumbinsihin ang sarili na hindi ko kailangang magpaapekto sa sinuman.

Pagkatapos ng klase, bumalik ako sa mansyon ng Altacara. Ang mansyon na ito ang nagsilbing kanlungan ko mula sa mapanghusgang mundo. Si Mrs. Altacara ang nagbigay sa akin ng suporta sa kabila ng mga hamon sa buhay.

“Safara, kumusta ang unang araw mo?” tanong ni Mrs. Altacara habang iniabot ang tray ng snacks.

“Medyo mahirap, pero kinakaya ko naman, ma’am,” sagot ko nang may ngiti.

“Mabuti. Tandaan mo, hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa sinuman. Basta gawin mo lang ang makakaya mo,” paalala niya.

Tumango ako, nagpapasalamat sa kanyang pagmamalasakit.

Habang abala ako sa pagbabasa ng mga notes sa kwarto, bumalik sa isip ko ang kakaibang titig ni Vince Rosales. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may iba sa kanya. Gayunpaman, alam kong hindi ko dapat hayaan na magulo ang focus ko.

Sa ngayon, ang tanging mahalaga ay ang pag-aaral at pagtupad sa pangako ko sa sarili at sa aking ina. Kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral upang mabigyan ko ng maayos na tirahan ang aking ina.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi