"Ano ang ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Lucian sa pamangkin niyang si David. Nandito na siya ngayun sa simbahan at hinihintay na lang ang pagdating ng bride para maumpisahan na ang seremonya ng kasal.
"Uncle, binabati kita!" sagot naman kaagad ni David sa tiyuhin iya. Halata sa mga mata niya ang lungkot habang sinasabi ang katagang iyun
Palagi niyang naiisip na siguro kung hindi siya nagluko noon, baka silang dalawa ni Precious ang ikakasal ngayun eh. Nag-umpisa ang lahat sa panluluko niya kaya naiwan siyang luhaan ngayun.
"You know what...I know that you love her very much! Pero mahal ko din siya at ako ang pinili niya. David, kahit na ano ang mangyari, magkadugo pa rin tayo. Alam kong nasasaktan ka sa mga nakikita mo ngayun pero sana...tangapin mo na ang katotohanan na hindi kayo para sa isa't -isa." seryosong sagot ni Lucian sa pamangkin niya.
"I know, Uncle at tangap ko na ang lahat-lahat! Paalis na din ako. Lalayo na muna ako dahil gusto kong makalimot. Pero bag