"Salamat po----" hindi naman natuloy ni Aurora ang sasabihin niya dahil sa pag-angat ng kanyang tingin, sumalubong sa paningin niya ang gwapong mukha ni David. Pagkagulat ang kaagad rumihistro sa mga mata nito
"David?" mahina nitong sambit
"Ano ang nangyari sa iyo? Paano ka humantong sa ganitong bagay?" seryosong tanong naman ni David dito. Naluha naman si Aurora.
"Patawad! Patawad, David!" umiiyak nitong sambit
"Aurora, hindi ka sa akin nagkasala para humingin ka ng tawad. Life is so hard at sana natuto ka na din ng lesson kagaya ko. Ayusin mo ang buhay mo dahil hindi pa huli ang lahat.'' seryosong sagot naman ni David sa dalaga.
"Paano? Paano ko aayusin ang isang bagay na sira na, David? Kinarma ako sa mga kasalanan na nagawa ko noon. HIndi ko na alam kung paano mag-uumpisa." umiiyak nitong sambit
"Kaya mo iyan! Matapang ka diba? Kayang kaya mo iyan Aurora at walang ibang makakatulong sa iyo kundi sarili mo lang!" seryosong sagot naman ni David sa dalaga."Itago mo na ang